Tutol ang tatay mamanhikan
(Pilipino Star Ngayon) - May 21, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Gusto ko nang mag-asawa, nasa wastong edad na kami ng girlfriend ko. Ang problema, tutol si tatay sa relasyon namin. 

Nag-away kasi sila ng girlfriend ko. Ang nangyari, nakita ni tatay na sinisigawan ako ng girlfriend ko nang minsang nasa bahay kami pagdating niya. Nagalit si tatay at pinagsabihan ako kung bakit pumapayag daw ako na sinisigawan sa loob pa ng bahay namin.

Matagal na naman ‘yun, pero hindi nawawala sa isip ni tatay. Maldita raw ang girfriend ko. Kahit humingi na siya ng patawad sa kanya. Kahit nga siya pa ang nag-alaga kay tatay nang magkasakit siya.

Wala namang problema kay nanay, ganon din sa magiging biyanan ko.

Hindi nila alam ang tungkol sa nakita ni tatay. Ang totoo, ako ang may kasalanan kaya nagsisisigaw ang girlfriend ko nung araw na ‘yun.

May balak na kaming mamanhikan ni nanay, nag-aala lang talaga ako dahil baka lalong ika-galit ni tatay ang tungkol dun.

Paano kaya ang magandang gawin?

John Patrick

Dear John Patrick,

Kung nasa wastong gulang na kayo, pwede na kayong magdesisyon para sa inyong dalawa ng girlfriend mo basta’t alam ninyong makabubuti sa inyo. Kung ayaw man ng tatay mo sa girlfriend mo, wala siyang magagawa. Kayo ang magsasama at nagmamahalan.

Pero kailangan pa rin ang respeto sa magulang sa lahat ng oras. Ang magulang ang gabay ninyo sa inyong pagsasama bilang mag-asawa.

Darating ang panahon na mapapatunayan ninyo sa tatay mo na nagkamali siya na maldita ang girlfriend mo. Congrats sa inyo, ipagdarasal ko na matuloy ang kasal ninyo.

DR. LOVE

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with