Sino ang sisisihin?
(Pilipino Star Ngayon) - May 20, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Umaasa akong madaratnan ka ng aking sulat na nasa mabuting kalusugan. Ako po si Lorna Recanto, 32-anyos at may asawa. Napakabait po ng mister ko sa simula. Ito’y mula taong 2000 hangang 2005. Wala siyang bisyo at bahay opisina lang ang kanyang routine araw-araw. Kapag day off niya, nasa bahay lang siya at tumutulong sa aking sa gawaing bahay.

Dalawa po ang anak namin at sa magkatuwang naming pagtatrabaho ay napag-aral namin silang ng maayos. Nang mapansin ko ang kanyang sobrang kabaitan, hinimok ko siyang mag-good time kasama ang kanyang mga kaibigan tuwing weekend.

Sumunod naman siya sa akin pero mukhang masyado niyang nagustuhan ang pagbabarkada. Ngayon kahit hindi weekends ay ginagabi na siya ng uwi, bagay na amin nang pinag-aawayan. Madalas pa nga niya akong sisihin na siyang dahilan kung bakit siya nagkaganoon.

Ano ang dapat kong gawin para magbalik ang dating siya?

Lorna

 

Dear Lorna,

Ikaw pala ang nagkamali. Uliran na ang mister mo, itinulak mo pa sa pagiging palabarkada. Alam mo, madaling ibuyo ang taong mabait na magpakasama. Ngunit ang taong masama ay mahirap gawing mabait.

Ngunit naririyan na iyan at hindi na kita sisisihin.  Mahirap mang gawing mabait ang isang taong naligaw ng landas, hindi ito imposible dahil lahat ng tao ay may pareparehong tsansa mula sa Panginoon Diyos para bumuti. Idaan mo ito sa pa­nalangin sa pa­ngalan ni Jesu-Cristo at hilingin mo ang pagbabagong espirituwal ng iyong asawa. Lakipan mo ito ng pagbubulay sa Salita ng Diyos kasama ang iyong mister upang matutuhan ninyo ang mga spiritual principles na nakakapagpabago sa tao.

Kasabay nito, huwag kang maging marahas sa pana­nalita mo sa kanya kundi gunitain ninyo ang mas masaya ninyong buhay noong siya’y hindi pa nakikipagbarkada. Okay lang makipagbarkada sa mga kaibigang maka-Diyos pero kapahamakan ang dulot ng pagsama sa mga taong walang takot sa Diyos.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with