Magkasunod na pagsubok
(Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Nais ko lang po ibahagi ang aking pangungulila. Magwawalong buwan pa lang nang mamatay ang aking nanay. Na-stroke siya dahil sa pagluluto. Madalas kasi kapag nagluluto siya, naliligo siya pagkatapos para naman mag-deliver ng pagkain.

Ito na ang naging business namin simula nang magkatanggalan ng mga empleyado sa kumpanya ng aking tatay.

May kaunting puhunan kaming natanggap, kaya nakapag-business kami ng catering. Hindi na rin ako nagtapos ng aking pag-aaral sa kolehiyo dahil nag-full time na akong mag-manage ng aming business. Ang asawa ko naman ang kasama ni nanay sa delivery.

Si tatay ang tagahiwa at taga-prepare ng mga gamit kasama ng mga pamangkin ko at ang nakakatanda kong kapatid.

Maganda naman ang aming kita. Kaya tuwing linggo nagluluto pa rin si nanay para naman sa pamimigay ng aming church sa mga pulubi.

Namatay si nanay nang bigla na lang may indahin habang papauwi sila galing sa pagde-deliver ng pagkain. Naitakbo pa ng asawa ko si nanay sa ospital pero patay na siya nang dumating ang doktor.

Ang akala ko, makakabawi na kami nang tuluyan sa lungkot sa pagkawala ni nanay pero nito lang isang araw si tatay naman ang kinuha ni Lord. Bakit kaya ganun?

Mabilis din kasing nanghina si tatay at laging malungkot. Simula noon, mahina na rin siyang kumain hanggang tuluyan na rin siyang na ospital at hindi na pinalabas ng doktor dahil sa sobrang pagbaba ng kanyang blood sugar.  Hindi ko pa rin maisip kung bakit bigla nila akong iniwan. Etong gumaganda ang aming kita, isa-isa naman silang nawala.

 Mayla

Dear Mayla,

Isang pakikiramay ang nais kong ipahatid sa’yo at sa iyong mga kamag-anak. Talagang masakit sa kalooban ang mawalan ng mahal sa buhay. Lalo na kung halos magkasunod pa. Minsan kailangan nating tanggapin kung ano ang kalooban ng Diyos.

Ipagdasal mo ang iyong ama’t ina na nawa’y maging masaya at mapaya sila kapiling ng Maykapal. Ituloy mo lang ang inyong nasimulang business. At gawing mong inspirasyon ang iyong mga magulang sa araw-araw mong mga gawain.

Huwg mong kalilimutan ang tumulong sa iyong mga kamag-anak at ituloy mo pa rin ang pagtulong ninyo sa mahihirap. God bless and be strong.

DR. LOVE

PAGSUBOK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with