Luma-love life si Lola
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2019 - 12:00am

Luma-love life si Lola

Dear Dr. Love,

Ako po si Matilde Uyna, 77-anyos. Matagal na akong biyuda at sa loob ng 35 years, hindi na ako nag-asawa pang muli. Maligaya naman ako sa buhay ko’ng nag-iisa sa piling lang ng isang katulong at tuwing weekend ay dinadalaw ako ng mga anak ko at apo.

Hindi ko akalaing mabubuhay pa ang puso ko na inakala kong patay na sa tawag ng pag-ibig. Hanggang isang araw na ‘di inaasahan, dinalaw ako ng aking best friend sa college na may kasamang lalaking hindi ko na mamukhaan dahil sa katandaan. Parang may kung anong lumundag sa puso ko nang ipakilala siya sa akin ng kaibigan ko. Siya pala ang hinahangaan kong varsity basketball player sa kolehiyo. Naging kaibigan ko siya noon, pero hindi siya lumigaw sa akin.

Nagulat ako na may gusto pala siya sa akin noon pero torpe raw siya. Nagulat ako nang sabihin niyang hindi siya nakapag-asawa dahil sa katorpehan niya. To shorten my story, niligawan niya ako at sinagot ko naman. 

Nang malaman ito ng aking mga anak at apo, hindi sila tumutol pero pinagtawanan nila ako. Nag-aalangan tuloy ako na pumayag sa alok niya na magpakasal kami. Tama po bang kalimutan ko na lang siya?

Matilde

Dear Matilde,

Natutuwa ako sa love story mo. It’s never too late to love again if love is one factor to make you happy. Kailan man ay hindi mali ang pag-ibig. Palagay ko, hindi ka naman pinagtatawanan kundi natutuwa lang ang mga anak at apo mo sa ‘di pangkaraniwang pangyayari sa iyong buhay.

So, go for it! Nilalang ng Diyos ang babae dahil ayaw niyang mapag-isa si lalaki. It is never good for any person to be alone especially when you are old. Kailangan nating lahat ng makakaramay at masasandalan habang tayo ay nabubuhay sa mundong ito.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with