Nagseselos sa aso?
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Ako po si Boggie Senior High dito sa Caloocan. Avid fan ng column ninyo.

Naiinis po kasi ako sa gf ko, mas mahal niya pa yata ang alaga niyang aso kaysa sa akin. Kapag nagkikita kami, si Beverly ang lagi niyang binabanggit.

Hindi ako maka-adjust. Alam ko namang mahilig na siyang mag-alaga ng aso. Masyado niyang binibigyan ng importansiya ang kanyang alaga.

Nagseselos na tuloy ako. Mabuti pa ang kanyang aso nahihimas niya at niyayakap. Mabuti pa ang kanyang aso hinahalik-halikan niya.

Binibili niya ng pagkain at pinaliliguan. Hindi naman kasi ako dog lover kaya hindi ako maka-relate sa mga sinasabi niya.

Siyempre naiintindihan ko naman na mas mahal niya ako. ‘Yun nga lang hindi sa lahat ng oras magkasama kami. Mabuti pa ang aso niya, kasama niya hanggang sa pagtulog.

Sinubukan ko na larularuin ‘yung si Beverly na kokornihan ako.  Ano po kaya ang mainam na gawin para maka-adjust ako sa aso niya?

Boggie

Dear Boggie,

Alam mo doggie, este Boggie baka naman sinasarili mo lang ang nararamdaman  mo. Dapat sabihin mo sa girlfriend mo ang iyong nararamdamang selos sa kanyang aso.  Napakababaw ng problemang iyan iho.

Ngayong uso na ang internet, i-search mo ang mga bagay na tungkol sa kanyang aso at doon pwede kang magsimulang tulungang alagaan ang aso ng gf mo.

Kapag nalaman niyang interesado ka rin sa pag-aalaga ng asong tulad ng aso niya, mas lalong bibilib sa’yo ang gf mo. At doon mo rin maa-appreciate kung bakit ganun na lamang ang pagbibigay atensyon niya sa aso.

Marami ka ring matututunan habang ikaw ay nagse-search. Samahan mo siya sa pag-aalaga ng kanyang aso, tiyak na dagdag points ka sa kanya.

Mabuti nga aso lang ang pinagkakaabalahan ng gf mo. Sige ka baka may lumapit sa kanya na mahilig din sa aso. Biro lang.

Basta never stop learning. Oks ba?

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with