Nagka-Aids
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang po ako sa pangalang Dennis. Laking pagsisisi ko ngayong may sakit na ako. Akala ko hindi ako tatablan ng sakit dahil matikas ang katawan ko.

Dahil malaki ang kita ko, naging waldas ako. Kaka-night life ko kasama ng mga chicks nadale ako ng aids. Hindi ko agad sinabi sa misis ko at sa aming dalawang anak. Pero hindi ko maitatago sa kanila ang panghihina ng aking katawan. Sinabihan ko ang misis ko na ilihim sa aming mga anak ang sakit ko. Pasalamat pa rin ako dahil kahit nalaman ng misis ko ang kasalanan ko, tinanggap pa rin niya ako nang bukal sa kanyang kalooban. Nakita ko ang awa at pagmamahal niya sa akin.

Ngayon, nasa HIV and AIDS Victim Center ako. Napakasakit sa aking kalooban at hindi ko talaga matanggap na magkakaganito ang aking kalagayan.

Sana mapatawad ako ng Diyos sa malaking kasalanan ko sa Kanya at sa aking pamilya. Malungkot ang kalagayan ko at puno ng panghihinayang.

Kaya sa lahat ng makakabasa ng sulat ko, huwag n’yo ako gayahin. Maling mali ang nagawa ko. Kung may isa pang pagkakataon akong mabuhay muli sa mundong ito, talagang ipinapangako kong hinding hindi ko pababa-yaan ang aking sarili at ang aking pamilya.

Maraming salamat po.

Dennis

Dear Dennis,

Alam ng Diyos kung ano talaga ang nasa puso mo ngayon. Huwag kang susuko. Tibayan mo ang iyong kalooban. Gawin mong kakaiba at makahulugan ang iyong bawat araw.  Pasalamat ka sa iyong asawa sa kanyang lubos na pagmamahal.  Hindi pa huli ang lahat.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with