Pasasalamat sa stepmother
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - May 12, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Gusto ko lang magpasalamat sa stepmother ko. Alam kong hindi siya ang tunay kong nanay.

Iniwan ako ng tunay kong nanay sa pangalawang asawa ng tatay ko. Sa kabila ng lahat, minahal niya ako na parang sarili niyang anak.

Naga-abroad si tatay at doon sila nagkakilala ng stepmother ko. Hindi ito matanggap ng tunay kong ina kaya siya na lang ang umalis sa aming bahay. Iniwan niya kaming mag-ama sa aking stepmother. Nakapag-asawa rin naman siya uli pero hindi na kami muling nagkita.

Nang ipagtapat nila sa akin ang totoo, hindi ako agad naniwala dahil ganoon naman sila magbiro. Pero nang biglang lumuha ang aking stepmother, saka lang ako naniwala. Ikinuwento nila sa akin ang buong pangyayari.

Humingi sila ng tawad sa akin dahil sa ginawa nila sa tunay kong ina. Nakaramdam din ako ng panghihinayang, pero parang huli na ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung makikita ko ang aking tunay na ina. Mahal ko ang stepmother ko. Sana makita ko rin ang tunay kong ina para mapasalamatan ko rin siya.

Nathan

Dear Natan,

Kahit alam mong hindi ka tunay na anak ng stepmother mo, ipakita mo ang tunay mong pagmamahal sa kanya. Huwag mo nang balikan pa ang kanilang mga pagkakamali sa iyo ng iyong tunay na ina. Nakaraan na iyon at tanggapin mong minsan nagkakamali tayong mga tao.

Mainam kung makita mo pa rin ang tunay mong ina para magkausap kayo. Ipagdasal mo ang kanyang kalagayan. Maraming salamat sa iyong ibinahagi. Huwag mong kalimutang batiin ang iyong stepmother na “Happy Mothers Day” pati na rin sa iyong tunay na ina.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with