Inis sa matulunging mister?
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Naiinis lang ako sa mister ko na parang kandidato. Lagi kasi gustong tumulong. Ang sabi ko sa kanya, tumakbo na lang  kahit kagawad o kaya chairman pero ayaw naman.

Hindi kami aktibo sa simbahan at wala rin ka-ming grupong sinasalihan ng mister ko. Kapag nakita niyang kailangan ng tulong, tiyak tutulong siya.

Ang ikinakatakot ko, lagi siyang umaawat sa gulo kapag may away kaming nadaraanan.  Malaking tao kasi siya, kaya naaawat naman niya. Minsan nahahampas, minsan inaabot siya ng suntok nang nag-aaway.

Ang gusto ko sa kanya, wala siyang bisyo at laging pamilya at trabaho lang siya.

Kapag may lumalapit sa kanya na mangu-ngutang, tinutulungan niya. Minsan binibigyan na lang niya, hindi na pinababayaran ang pera. Katuwiran niya, dumaan din siya sa hirap kaya naninikip daw ang dibdib niya kung hindi siya makagawa ng paraan kapag may nakikitang naghihirap.

Kaso hindi ko alam kung tama pa rin ang ginagawa niyang pagtulong. Kasi nga parang nagiging takbuhan na siya ng mga tao kapag may problema sila. Parang sa tingin ko, pwedeng umaabuso na ang iba.

Isang broker ang asawa ko at bukod dun, may ibang business pa kaming napundar at may mga investment din. Kaya ok lang naman kung tutulong kami. Ang sabi ko sa kanya, hindi naman sa lahat ng oras.  Baka kung kami naman ang mangailangan eh, wala naman kaming malapitan.

Bago pa kasi ako makapag-asawa ng mayaman, isa rin ako sa natulungan ng mister ko.  Kaya laking pasasalamat ko na nakilala ko ang isang lalaki na may mabuting kalooban. Hindi rin kasi mawala sa isip ko na may iba na tinulungan mo na, ikaw pa ang masama.

Mrs. Marilou D.

Dear Mrs. Marilou D.,

Nakaka-proud ang mister mo. Hindi siya nakalimot sa kanyang pinagmulan. He deserve to be appreciated and be recognized. Hindi lang para maging sikat ang mister mo, kundi masuklian ang kanyang ginagawang pagtulong. Hindi lahat ng mayaman ay may ganyang attitude.  Kaya mas mainam na suportahan mo siya o kaya para mas maganda at maayos ang pagtulong ninyo, bakit hindi kayo magtayo ng isang foundation.

Sa pamamagitan nito mas marami pa kayong matutulungan. Don’t worry sa ibang tao, hindi na ninyo pananagutan kung nanloloko lang sila.  Sana marami pang mag-asawa na maging  katulad ninyo. Tiyak na pagpapalain pa kayo ng Diyos dahil sa ginagawa ninyong pagtulong sa kapwa. God bless to both of you and your family.

Dr. Love

 

 

 

 

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with