Nalulong sa sugal
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Nagpupugay po ako sa inyo pati na sa maraming sumusubaybay sa iyong malaganap na love advice column. Itago n’yo na lang ako sa pangalang Myra, 30-anyos at ang asawa ko po ay nagtatrabaho bilang engineer sa Germany.

Dalawang taon na siyang naroon. Ako po at ang aming anak ay under petition para roon na rin kami magsasama-sama bilang mga immigrant. Ang pro-blema ko po ay ang pagkalulong ko sa casino. Isang kaibigan ang nagyaya sa akin at sa unang try ko sa slot machine, nanalo ako ng P50 thousand. Mula noon ay nawili na akong maglaro, pero hindi na naulit ang suwerte ko at pati ang ipinadadalang suweldo ng mister ko ay naubos sa sugal. Nahihirapan akong tumigil dahil gusto kong mabawi ang mga natalo ko na mahigit nang kalahating milyon.

Ano ang gagawin ko? Nagtataka na ang mister ko kung bakit lagi akong kinakapos sa budget.

Myra

Dear Myra,

Kapag ‘di ka tumigil, lalo ka lang mababaon sa problema. Konti lang ang kalahating milyon at huwag mo nang dagdagan pa.

Sa sugal, habang nananalo ka, gusto mo pang dumami ang panalo mo, at habang natatalo ka, ang gusto mo ay makabawi. Kaya hindi ka titigil hanggang sa ikaw ay matuyuan. Walang nananalo sa sugal, maliban sa nagpapasugal.

Marami nang buhay ang winasak ng sugal. Nagkabaon-baon sa utang na hindi na nabayaran dahil natatalo sa sugal. Kapag magpapatuloy ka, malamang hindi lang kalahati kundi marami pang milyones ang susunugin mo. Maging matalino ka at itigil mo na iyang masama mong bisyo.

Start at square one at sinupin ang perang ipinadadala sa iyo bago pa mabisto ng asawa mo ang iyong masamang bisyo.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with