Ugly duckling
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - May 1, 2019 - 12:00am

Ugly duckling

Dear Dr. Love,

Nang Ako ay 18-years old pa lamang, mayroon akong crush na varsity player sa aming paaralan. I was so excited nang ipakilala ako sa kanya ng aking friend na cousin niya.

I’m Lydia, 20  years old at graduating sa kursong business administration.

Nang mag-shake hand kami, wala akong nakitang excitement sa kanya. Tinanong pa nga niya ako kung ako’y taga high school department.  4’9 lang kasi ang height ko. Inis na inis talaga ako noon. Pero despite that, kahit naaasar ako ay crush ko pa rin siya. Guwapo, matangkad at magaling sa basketball na favorite sport ko.

Nag-summer vacation at nagbakasyon kami ng family ko sa San Francisco. I don’t know what happened, sa loob ng maikling panahon ay tumangkad ako at naging 5’5. Pagdating ng pasukan ay nagulat ang mga classmates ko.

Nang mag-meet kami ng crush ko, laking gulat niya at napa-wow!  To cut the long story short, niligawan niya ako. Ako naman ang nagpakipot at sinabi kong ayoko sa mayabang na tulad niya. Hanggang ngayon ay nanliligaw siya. Dapat ko ba siyang sagutin?

Lydia

Dear Lydia,

Naaalala ko sa’yo ang istorya ng ugly duckling, isang gansa na lumaki sa pamilya ng mga bibi. Nahalo kasi nang ‘di sinasadya ang isang itlog ng gansa sa pugad na kinaroroonan ng mga pinipisang itlog ng bibi. Nang mapisa  ang mga itlog, kakaiba ang anyo niya sa ibang sisiw.

Dahil dito, pinagtatawanan siya dahil sa kakaiba niyang itsura. Pero nang lumaki siya na isang puti at magandang gansa, siya ay hinangaan ng lahat.

Sa tanong mo kung sasagutin mo ng oo ang iyong manliligaw, ikaw ang magpapasya noon at hindi ako. Kung mahal mo siya, bakit hindi? Baka binibiro ka lang niya noon nang tanungin kung high school student ka. Tutal tumangkad ka at gumanda, kalimutan mo na ang nagdaan.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with