Nagkasala sa ina
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - April 28, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Nahihiya po ako sa mama ko dahil sobra na ang nagawang kong kasalanan sa kanya. Masyado akong naging matigas ang ulo. Ang gusto ko laging sinusunod ng mother ko ang bawat maisipan ko.

Mahilig akong maglaro ng basketball at madalas nagiging star player ng school namin.  Kung sa suporta, full support si mama sa akin. Aaminin ko may sama ng loob ako kay mama kasi hinayaan lang niyang iwanan kami ni papa. May pangalawang asawa na si papa at minsan ko lang siya makita.

Madalas napapahiya si mama sa mga barkada ko. Kasi sasabihin niyang magdadala siya ng pagkain at tubig during our game pero lagi siyang late. Tapos na ang game bago pa siya dumating.

Ang matindi kong nagawang pagkakamali ay noong nagalit ako sa kanya habang naglalaro ako ng online basketball game.  May inuutos siya, kaso naka-earphone ako. Kalabit siya nang kalabit kaya nasigawan ko si mama at naitulak ko siya sa sofa at tumama ang kanyang ulo sa dingding ng sala namin.

Imbes na humingi ako ng pasensiya, nagdabog pa ako at nagsisigaw akong pumasok sa kuwarto ko.

Nang mahimasmasan ako, nakita kong umiiyak si mama. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya umalis ako ng bahay namin at nag-alsa balutan.

Hanggang ngayon nasa bahay pa ako ng isa kong klasmeyt malapit lang din sa lugar namin. Tatlong araw na akong hindi umuuwi ng bahay namin. Sana po matulungan ninyo ako. 

Malaki ang kasalanang nagawa ko. Gusto ko pong magkaayos na kami ni mama. Maraming salamat po sa pagbibigay ng panahong basahin ang sulat ko sa inyo. 

E-jay

Dear  E-jay,

Kung hindi mo kayang humingi ng patawad sa mama mo nang mag-isa, maghanap ka ng isang taong masasabihan mong tulungan ka. Magtiwala kang mapapatawad ka niya.  Sobra naman talaga ang ginawa mo sa iyong mama. Sa kabila ng kabutihan niya sa iyo, sa kabila ng suporta niya, hindi mo nakita ang effort niyang maging masaya ka. Dahil ang pagkukulang niya ang nakikita mo. Natitiyak kong mahal na mahal ka ng mama mo, kaya umuwi ka na.

Dr. Love

 

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with