Pasasalamat ng graduating
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - April 26, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Gusto ko lang po magpasalamat sa aking tito at tita na nagtaguyod sa akin para maabot ko ang aking mga pangarap.

Ga-graduate na po ako ng Civil Engineering dito sa isang malaking unibersidad sa  Maynila.

Grade six lang po ako nang kupkupin nila ako. Itinu-ring nila ako gaya ng isang tunay na anak, kahit minsan matigas ang ulo ko at ayaw kong sumunod sa kanila.

May dalawa akong kapatid, nasa Cebu sila, sa aming lolo at lola.

Bilang kapalit, nag-aral ako nang mabuti dahil nahihiya rin naman ako sa kanila. Wala silang anak kaya halos anak na ang turing nila sa akin.

Maagang namatay ang aking ina sanhi ng malubhang sakit at ang tatay ko naman, hanggang ngayon ay nasa kulungan dahil nasangkot sa droga.

Masakit man sa akin ang mga pagsubok na dinaraanan namin bilang pamilya, hindi ako sumuko.

Hindi man ako nakakuha ng award. Sapat na sa akin ang makapagtapos bilang gantimpala.

Maraming salamat talaga sa kanila. Hinding hindi ko mababayaran nang kahit magkano ang kabutihan nila sa akin. Maraming salamat po. 

Chilzen Mae

Dear Chilzen Mae,

Congratulation sa iyo at sa lahat nang ga-graduate nitong batch school year 2018-2019. Nakaka-inspire ang ibinahagi mo. Mapalad ka dahil pinagkalooban ka ng Diyos ng mababait na kamag-anak. Bilang pasasa-lamat, huwag na huwag kang makakalimot sa kanila. 

Kung makahanap ka ng trabaho at kumikita ka na, gawin mo rin ang ginawa nila sa iyo. Tulungan mo naman ang iyong mga kapatid at ang iyong lolo at lola sa Cebu. Sana dalawin mo rin ang iyong ama na nasa kulungan. Tiyak na matutuwa iyon kapag nalaman niyang nakapagtapos ka na ng kolehiyo.

Dr. Love

 

 

 

 

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with