Takot ipaalam sa parents na may bf na
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin ninyo na lang akong Paola. Hindi ko po kayang ipagtapat sa parents ko na may boyfriend na ako. Four years na kami ni Dave pero hindi ko pa rin sinasabi sa parents ko. Baka kasi magalit sila at paghiwalayin kami.

Mahal ko po ang bf ko at mahal ko rin siyempre ang parents ko. Natatakot ako na masira ang aming pagsasama. 

Klasmeyt ko si Dave simula noong kami ay junior high school pa lamang. Simula nang makilala ko siya, unti-unting nawala na ang pagiging mahiyain ko sa bago kong school. Walang araw na hindi siya nag-iiwan ng chocolate sa upuan ko.

Hinahatid din niya ako hanggang sa kanto ng aming bahay dahil nahihiya akong ipakilala siya sa parents ko. Maganda ang naging daloy ng relasyon namin kaya gusto ni Dave na i-level up ang kung anong meron kami ngayon.

Araw-araw siyang nanliligaw, kaya pumayag na ako na maging “kami”. Pero tinatanong pa rin niya ako kung bakit hindi ko pa siya maipakilala sa parents ko. Hindi ko pa rin magawa ang bagay na ‘yun, Dr. Love dahil tiyak na mahihirapan lang kaming dalawa. Ano po ang pwede kong gawin?

Paola

Dear Paola,

Alam mo dapat ipaalam mo sa parents mo ang inyong relasyon. Kahit sabihin mong hindi kailangan para ma-save ang relationship ninyo.

Mas makakatulong sa inyo na alam ng parents mo ang inyong pakikipagrelasyon. Mas magagalit sila kung hindi mo ito ipaaalam ng maaga. Para rin ito sa kabutihan ninyo.

Wala namang magagawa ang parents mo kung talagang nagmamahalan kayo. Kaso dapat nasa lugar.  Isipin mo rin ang kanilang kalagayan bilang magulang mo. Sila ang may pananagutan sa iyo hangga’t bata ka pa at nasa poder ka pa nila. Kailangan natin ng gabay ng magulang habang tayo ay bata pa.

Dr. Love

 

 

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with