^

Dr. Love

Mabilis makalimot

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love, 

Napakasakit pala kapag ang taong pinakamamahal mo ay mabilis makalimot sa kanyang mga magagandang pangako. Tawagin mo na lang akong Pia,  25-anyos at hindi ako mangingiming tawagin ang sarili ko na man hater. 

Sa tingin ko ay iisa lang ang hangad ng lahat ng lalaki sa mga babaeng nililigawan nila. Naging boyfriend ko si Andy dahil nung una ay nakita ko sa kanya ang katangiang hanap ko sa lalaki.  Magkasama kaming nangarap. Sobrang ganda ng kanyang mga pangako. Ipagpapatayo raw niya ako ng magandang tahanan na magiging pugad ng aming pagmamahalan.

Nagtiwala ako sa kanya. Kaya nang unang magparamdam siya na gawin namin “yun”,  buong puso akong nagpaubaya.  Sinabi pa niya na magpapakasal kami. Isa, dalawa, tatlong ulit nangyari ang aming kapusukan. Pero ang pagmamahal ko sa kanya’y napalitan ng pagkasuklam. Matapos ang ikatlo kong pagpapaubaya, nawala si Andy gaya ng isang panaginip na ‘di na mauulit. 

Dr. Love, may nanliligaw sa akin ngayon. Ayaw ko nang masaktan. Tama po ba ang galit na nararamdaman ko? 

Pia

Dear Pia, 

Si Andy lang ang nagkasala sa’yo. It’s unfair to hate all men because of the fault of one. 

Huwag mong pigilin ang pag-ikot ng daigdig mo dahil lang sa isang mapait na karanasan. Sabi nga, mas mabuti ang magmahal at masawi kaysa hindi maranasang magmahal at mahalin sa buong buhay. 

Hindi parepareho ang mga lalaki. Ang aral sa iyong karanasan ay huwag mong isusuko ang iyong pagkababae dahil mas malamang sa hindi, iiwanan ka ng lalaki sa pag-aakalang easy to get ka. 

Isa sa magandang hamon para malaman mong tapat ang sinasabing pagmamahal ng isang lalaki at kung tunay ang bawat niyang mga pangako ay kung nakahanda siyang maghintay hanggang pagtibayin ng kasal ang inyong pagmamahalan sa ngalan ni Hesus na pinagmumulan ng walang hanggang pag-ibig.

Alam mo ang sinuman ay deserving sa napagandang karanasan ng pagmamahal. Pero hindi lahat ay may iisang perspektibo tungkol dito. Kaya magpasalamat ka pa rin at hindi nagbunga ang paulit-ulit mong pakikipag-sex sa iyong boyfriend. 

Kung ako sa’yo, burahin mo na agad-agad sa isip mo ang gaya ng lalaking ‘yun at magpatuloy sa iyong buhay, Sana sakaling ma-realized mo na kumakatok ang panibagong pag-ibig sa buhay mo, huwag mo itong ipagkait sa iyong sarili. Tiyakin mo lang na mas magiging matalino ka sa pagkakataong ‘yun.

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with