Hinaing ng rape victim
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Ako po, una sa lahat ay bumabati sa iyo ng isang mapagpalang araw. Itago mo na lang ako sa pangalang Maui, 24-anyos, single.

Ibig kong isangguni sa iyo ang masamang panaginip na paulit-ulit kong nararanasan tuwing gabi. Ito ay replay ng masaklap kong karanasan three years ago nang halinhinan akong ginahasa ng tatlong kalalakihan na kapitbahay namin.

Nagdurusa na ang tatlong ito sa piitan pero pabalikbalik ang masamang alaala sa anyo ng masamang panaginip.  Ito ang dahilan kung bakit takot akong sumagot ng manliligaw. Actually, takot ako sa mga lalaki dahil ang tingin ko sa kanilang lahat ay rapist.

Bakit hindi ko maiwasan ang ganoong pa-naginip? Ano ang dapat kong gawin?

Maui

 

Dear Maui, 

Hindi ako psychologist o psychiatrist, pero sa tingin ko ay dumaranas ka ng mental at emotional trauma dala ng mapait mong karanasan.

Hindi madali ang lumimot pero kung hindi mo ito pagsisikapang gawin, ikaw ang lugi. Kasama mong nagdurusa ang mga lumapastangan sa iyo dahil kahit ikaw ay malaya at sila’y nasa kulungan, dinadalaw ka lagi ng multo ng iyong madilim na nakaraan.

Isa pa, hindi lahat ng lalaki ay rapist kaya huwag mo silang katakutan. Pero gaya nang nasabi ko, madali ang magbigay ng payo pero mahirap sa katulad mo ang sumunod sa payo. Sa tingin ko, kailangan mong kumunsulta sa psychiatrist na makatutulong sa iyo para mawala sa isip mo ang iyong malungkot na lumipas.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with