Sinunod ang ‘init’ ng katawan
(Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Ang akala ko madali lang magtago ng lihim kay misis. Noong una akong mag-abroad,

nakaraos akong walang sabit at walang tinatagong kalokohan. Siguro dahil  first time akong mag-abroad, kaya nakaya kong umiwas sa mga tukso.

Sa ikalawang pagkakataon, sinubukan ko namang mag-Japan. Desidido ako kasi pangarap ko talagang makapunta ng Japan.

Noong mga unang buwan, okay lang ako. Pero nung may nakilala akong Pilipina na lagi kong kasama kapag day off ko, nagsimula nang magulo ang buhay ko. Isa siyang DH. Wala lang naman ‘yun, talagang sinunod lang namin ang init ng aming katawan.

Pero akala ko, wala lang din sa kanya at hindi siya maghahabol. Pero ginulo niya ang buhay naming mag-asawa. Nakuha niya ang number ng misis ko at lagi niyang tinatawagan. Pati ang anak namin ay sinasabihan niyang hindi na raw uuwi ang tatay niya dahil may iba nang asawa. 

Alam kong masakit ito para sa pamilya ko. Ngayon papauwi na ako, hindi ko alam kung paano haharapin ang problemang nagawa ko. Ang kinakatakot ko pa, baka sumunod itong babae sa Pilipinas at hanapin ang bahay namin at manggulo roon. Dr. Love, ano kaya ang pinakamainam gawin sa kalagayan ko?

Jobert

Dear Jobert,

Kailangan mong harapin ang sirkumtansiya ng kalokahang ginawa mo. Pagsikapan mong maibalik ang nabasag na siguridad ng misis mo sa inyong pagsasama, patunayan din sa anak mo ang katapatan mo at kuning muli ang tiwala ng mga in-laws mo. Alam kong magagawa mo ‘yan kung tunay ang hangad mong manatiling buo at maibalik ang saya ng pagsasama ninyo ng pamilya mo.

Sakaling malampasan mo ‘yan, magtanda ka na. Huwag ipagpalit ang pamilya mo sa pagsunod sa “init” ng katawan.

DR. LOVE

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with