Dahil sa ipinost na video
(Pilipino Star Ngayon) - April 15, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Hindi ito ang unang pagkakataong nagmahal ako, pero masasabi kong nakahanda akong gawin ang lahat-lahat dahil sa pagmamahal ko sa boyfriend ko.

Pareho kaming nasa senior high ni Arnie nang magkakilala kami dahil sa isang common friend. Masaya kami sa piling ng isa’t isa na kung maaari lang ay lagi na lang kaming magkasama. Pero pareho kaming may ambisyon.

Hindi ko akalain na ang magandang relasyon namin ang magiging daan sa malaking ba-ngungot ng buhay ko.

Minsan nag-chat kami, gabi na noon. Nasa kuwarto ko ako at ganon din siya. Sa kaulanan ng pag-uusap namin, hiniling niyang patunayan ko kung gaano ko siya kamahal.

Sinabi niyang mag-video call kami nang wala akong damit. Makailang ulit niya akong kinukumbinsi dahil maraming beses akong tumanggi. Ang sabi niya buburahin naman daw niya agad. Nagtiwala ako, Dr. Love dahil mahal ko siya. Sa isip ko baka maghanap siya ng iba kapag hindi ko napatunayan na mahal ko siya, ginawa ko ang gusto niya.

Kasunod nun ang pagguho ng mundo ko. Dahil hindi niya tinupad na buburahin ang video, sa halip ay ini-upload niya ‘yun at ipinost. Mabilis na nag-viral. Pinagtatawanan ako ng marami habang ipinagtatabuyan naman ako ng aking mga magulang dahil sa kalaswaang ginawa ko.

Gulung-gulo ang isip ko ngayon. Wala na akong mukhang ihaharap sa mundo. Maaaring nagkamali nga akong magtiwala sa kanya, pero ginawa ko ‘yun dahil mahal na mahal ko siya.

Paano ko po malalampasan ang kahihiyang kinakasadlakan ko? Payuhan po ninyo ako.

Sandra

Dear Sandra,

Maraming kabataan ang gaya mo ang nabibiktima ng iresponsableng paggamit ng social media.

Pero gaya nila, natitiyak kong huhupa rin ang lahat, kasama rin ‘yan ang galit ng iyong mga magulang.

Kapag dumating ang sandaling ‘yun, manatili kang mapagpakumbaba sa parents mo at ipagtapat mo sa kanila ang tunay na nangyari.

Maaaring humantong ito sa pagsasampa ng kaso sa boyfriend mo. Siguro nga sa kabila ng lahat ay mahal mo pa rin siya.

Pero sad to say, hindi niya pinahaha-lagahan ang feelings mo. Kaya nga nagawa niyang ipagsawalang-bahala ang magiging epekto sa’yo ng ginawa niyang pag-upload sa video.

Kaya kahit mahal mo siya, dapat panagutan niya ang resulta nun sa’yo at sa nasaktan mong pamilya.

This time, ibigay mo ang tiwala sa magulang mo, na tunay na nagmamalasakit at nagmamahal sa’yo. Para sa kabatiran nating lahat, isang krimen ang pagkakalat ng video, lalo na’t makakapanira ito sa ating kapwa. 

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with