Natupad ang ipinagdarasal
(Pilipino Star Ngayon) - April 14, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Malaki ang pagbabago ng aking asawa simula ng mag-seminar kami sa isang marriage encounter.

Kilala sa barangay namin ang asawa ko. Hindi man siya pulitiko pero dahil sa husay makisama, walang nagsasabi ng masama tungkol sa kanya.

Nagkakilala kami dahil sa isang manok na pansabong. Magkasundo sila ng kuya ko kapag sabong ang pinag-uusapan. Laki sa bisyo at walang takot dahil may kaya.

Kung saan-saang bahay siya makikita na nakikipag-inuman. Ayaw nga ng mga magulang ko sa kanya pero nahulog ang loob ko sa mga paglalambing at magalang niyang panunuyo. Maginoo pero medyo bastos. Matagal din bago siya natanggap ng pamilya ko.

Hanggang sa magkaanak kami. Akala ko, titigil na siya sa kanyang bisyo pero tuloy pa rin. Habang lumalaki ang mga anak namin, lagi kaming nag-aaway dahil napapabayaan na niya kami. Gusto na nga kaming paghiwalayin ng aking ama. Pero nakiusap lamang ako alang-ala sa mga anak namin.

Mabuti at may dati siyang kasama sa sugal na nag-aya para mag-seminar sa church. Habang nasa seminar kami, nakita ko ang kanyang pagsisisi sa mga nagawa niyang mali sa amin.

Natuwa ako sa laki ng kanyang pagbabago, wala na ang mga bisyo niyang alak, sugal at sigarilyo. Salamat sa Diyos dahil natupad na rin ang dalangin ko para sa asawa ko. 

Carlyn

Dear Carlyn,

Napakaganda ng nangyari sa mister mo. Ganun talaga, may takdang panahon ang Diyos para makilala natin Siya. Ang pagbabago ay hindi lang ipinipilit sa tao. Dapat lagi nating pinagdarasal. Tama ang ginawa mo, hindi ka tumigil sa pagdarasal.

Isang magandang halimbawa ito para sa mga mag-asawa, na huwag susuko sa anumang pagsubok. 

DR. LOVE

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with