Isang gabi ng pagkakamali
(Pilipino Star Ngayon) - April 13, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Sana po ay abutan kayo ng aking sulat na nasa mabuting kalagayan. Ako po si Wally, 22-anyos, may asawa at isang trike driver. Masaya kami at nagkakasundo ng misis ko sa tatlong taon na kami ay nagsasama.

Tapat din ako sa kanya at hindi ako babaero. Ngunit hindi ko inaakala na darating ang sandali na pagtataksilan ko siya at sa isang bayarang babae.

Birthday kasi ng friend ko at nagkainuman kami sa isang bar. Doon ay may naka-table akong babae. Dahil sa kalasingan ay may nangyari sa aming dalawa. Dinala ko siya sa mumurahing motel at doon ako nakagawa ng malaking kasalanan.

Matapos ang dalawang araw ay nakipagtalik ako sa misis ko. Pero nang lumipas pa ang ilang araw ay nakaramdam ako ng sintomas ng sakit sa babae. Tama ang suspetsa ko nang magpatingin ako sa doktor. Niresetahan ako ng gamot.

Pero natatakot ako dahil baka nahawahan ko ang aking asawa. Ayoko namang magsabi sa kanya at baka magalit siya? Ano ang gagawin ko?

Wally

Dear Wally,

Ngayon pa lang, kahit wala pa siyang sintomas ay ipasuri mo na siya sa doktor. Sorry to say pero wala kang magagawa kundi magtapat.

Kung hindi, lalantad din naman ang buong katotohanan kapag may naramdaman nang sakit ang misis mo. Magiging unfair ka sa kanya kapag hindi mo siya ipinagamot.

Magsilbing aral nawa sa iyo iyan at sa ibang kalalakihan. Laging maging tapat tayo sa ating mga minamahal na asawa.

Dr. Love

 

 

 

PAGKAKAMALI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with