Na-swindle ng boyfriend
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - April 7, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Susy Jurnales, 30-anyos, hiwalay sa asawa at isang OFW.

Nagkaroon ako ng isang Egyptian boyfriend dito sa Lebanon, caregiver ako rito. Tuwing Linggo ang off ko at sa isang party ng mga foreign workers ko nakilala ang isang makisig na Egyptian na nanligaw sa akin. Khalid Mahmoud ang pakilala niya sa akin. Sa loob ng tatlong buwan ay nagkarelasyon kami.

Akala ko, siya na ang tugon sa aking mga dalangin, na madala ko sa ibang bansa ang aking dalawang anak at mahango kami sa hirap. Ngunit naglaho siyang parang bula matapos matangay ang buong savings ko na umaabot sa kalahating milyon. Sa isang bangko rito sa Lebanon kasi ako nagdedeposito maliban sa sustentong ipinadadala ko sa aking mga anak.

Nang magtanong ako sa embassy ng Egypt, walang ganoong pangalan. Hindi ko na siya ma-trace. Ano ang gagawin ko?

Susy

 

Dear Susy,

Posibleng hindi mo na siya matutunton kung pekeng pangalan ang ginamit niya, at iyan ang malamang na mangyari dahil isa siyang swindler.

Siguro, puwede mong i-post sa social media ang picture niya kalakip ang pagsasalaysay mo ng mga pangyayari. Bukod doon ay wala na akong maisip na paraan para matunton siya.

Sana’y may natutunan ka sa iyong pagkakamali. Ang kalahating milyon ay hindi birong halaga na naipon mo dahil sa iyong mga sakripisyo, at ngayo’y  pinagpapasasaan ng isang kriminal. Huwag agad magtitiwala sa taong minsan mo pa lang nakilala.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with