Computer games ang pinag-aawayan
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Lagi naming pinag-aawayan ng mister ko ang paglalaro niya ng computer games. Gusto ko sanang disiplinahin ang dalawa naming anak sa paglalaro ng video games.

Pero paano ko sasabihin sa mga anak ko na huwag magbabad sa computer at cellphone eh ang ama nila ay madalas tutok sa wars games sa computer.

Nawiwili na sila.  Gusto ko sana habang maaga pa lang ay maagapan na hindi tuluyang makahiligan din ‘yun ng bunso naming anak. Pero nahihirapan ako. Naaadik na sila sa paglalaro.

Lagi ko naman pinapaalalahanan ang mister ko, kaso siya pa ang tutok na tutok sa cellphone.

Minsan nga gusto ko na ring maglaro para wala na akong iintindihin. Sabay-sabay na lang kaming  magugutom at mangangayayat.

Hindi ko nga alam kong gaano katindi ang epekto nito sa aming mga anak. Eh ‘yung tatay nga nila walang tigil, paano pa ang mga anak namin?  ‘Yung lang po, Dr. Love.  

Magie

Dear Magie,

Talamak ang problema na ‘yan sa maraming pamilya. Tama ka, kung hindi mo kaagad maagapan ang bunso mong anak, malamang matutulad ‘yan sa tatay at kapatid niya.

Huwag kang susuko. Alamin mong mabuti kung paano mo sila matutulungan, lumapit ka sa isang IT expert na nagbibigay ng mga libreng seminar kung paano maiiwasan at kung ano ang pwedeng alternatibo  para sa pagiging adik sa video at computer games.

Huwag ka ring titigil na ipakita sa kanila ang halaga ng pagsama-sama bilang isang pamilya. Ang kumain, mamasyal lalo na ang magsimba nang magkakasama.

Dr. Love

 

 

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with