Puso ang nanaig
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - March 31, 2019 - 12:00am

Dear Dr.  Love,

Hindi ko akalain na ang maling desisyon ko noon ay kabaliktaran pala matapos kong mapatunayan na tama na puso ang sinunod ko sa piling ni Marvin.

Negosyante ang mga magulang ko at sa hanay nila, hindi pa rin nawawala ang retuhan ng mga anak. ‘Yun ang situwasyong kinalagyan ko noon. Dahil hindi na iba ang turingan ng papa ko at ng kanyang business partner, kaya napag-uusapan nila na ireto ang kani-kanilang anak.

Mahal ko po ang daddy ko at ayaw kong maging isyu sa pagitan namin kung susuwayin ko siya sa gusto niyang magkamabutihan kami ng anak ni Tito Bogz. Mula high school hanggang mga panahong graduating na kami sa college ay pinu-push nila ang pagkakaroon namin ng relasyon.

Hanggang sa dumating sa point na pinipilit na nila kaming lumabas sa isang engagement at ang worse sa lifetime commitment. Gusto na nila kaming magpakasal.

Grabe, Dr. Love hindi ko keri. Noong mga panahong ‘yon masugid ko nang manliligaw si Anton. At to be ho-nest nagkakaroon na ako ng feelings sa kanya.

Hindi ko gustong magdamdam ang papa ko, pero hindi ko naman kayang iisantabi ang future ko sa lala-king wala akong ni-katiting na nararamdaman.

In short, sinunod ko ang puso ko. Ipinagtapat ko kay Anton ang situwasyon ko at walang pag-aalinlangan niya akong itinanan para makaligtas sa sapilitang pagpapakasal.

Dahil doon ay hindi na ako naka-graduate. Si Anton naman ay tumigil sa pag-aaral at humanap ng trabaho. Hindi naging madali ang lahat sa umpisa. Talagang gapang kami sa araw-araw na gastusin. Sa sobrang hirap, muntik na akong sumuko. Pero kapag nakikita ko ang pagsisikap ni Anton, bumabalik ang determinasyon kong lumaban.

Para matulungan ko siya sa mga gastusin, tumatanggap ako ng tutorial service habang nagpa-part time cashier sa isang gasoline station.

Isang umaga, nagkaroon kami ng hindi inaasahang bisita. Ang mama ko na nagbalitang wala na ang papa ko. Mula raw nang umalis ako ng bahay ay naging malulungkutin siya na nakapag-trigger sa mga nararamdaman niya sa katawan.

Matagal na raw nagsisi si papa sa pilit na pagkontrol sa buhay ko. Bago raw siya malagutan ng hininga ay ipinasasabi niya na patawarin ko raw siya.

Napahagulgol ako. Matagal ko nang napatawad si papa. Pero may sariling buhay na kami ni Anton. Limang buwan na akong buntis at hangad namin na iraos ang lahat bilang matatag na pamilya.

Paminsan-minsan ay dinadalaw naman namin si mama, na naging masaya rin sa kinahantungan ng buhay ko. Ang sabi niya pa, tama na puso ang sinunod ko.

Kat-Kat

Dear Kat-Kat,

May pagkakataon na kailangan talaga nating manindigan sa mga bagay na pinaniniwalaan nating makapaghahatid ng kaligayahan sa buhay natin. Ang karanasan mo ay patunay lang na loves really conquers all.

Binabati kita in advance sa pagiging soon to be mother.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with