Tawag ng tukso
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - March 28, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Maganda at sexy, ganyang ko mailalarawan ang pamangkin ng misis ko na si Faye na siyang gumugulo sa isip ko ngayon. Tawagin mo na lang akong Arman, 33-anyos. Ang pamangkin naman na dalaga ng misis ko ay 23-anyos, hiwalay siya sa asawa.

Nang ma-annul ang marriage niya ay nagpasya siyang mag-aral muli at sa amin siya tumira. Taga-Lucena kasi siya at ulilang lubos. Napansin ko ang labis niyang pagiging magiliw at malambing sa akin. Sinabi ko ito sa misis ko pero aniya, ganyan lang talaga siya.

Gayunman, kakaiba ang nararamdaman ko lalo na kung makatingin siya sa akin. Ayaw kong matukso at alam ko na kung mahuhulog ako sa mga makahulugang kilos niya, papatol din siya sa akin. Ramdam ko na ‘yun mismo ang ibig niyang mangyari. Madalas kasi sinasabi niya sa akin ang mga pagkukulang ng mister niya, kaya niya hiniwalayan. Minsan, lumalabas siya sa banyo na naka-bra at panty lang.

Ayaw naman ng misis ko na paalisin siya. Magpa-katatag na lang daw ako sa mga pang-aakit niya. Hindi ko alam kung kaya ko. Kapag nagtatalik kami ng misis ko, siya ang naiisip ko. Ano ang gagawin ko?

Arman

 

Dear Arman,

Kung talagang ayaw mong matukso, prangkahin mo ang babaeng iyan. Sabihin mo nang diretsahan na mali ang ginagawa niyang panunukso sa iyo para kusa siyang tumigil sa pang-aakit sa iyo. Kung maaari, gawin mo iyan kasama ang iyong misis na tiya niya.

Kung tutuusin, dapat ang misis mo ang sasaway sa kanya pero dahil hindi niya ito ginagawa, ikaw na ang sumuheto sa babaeng iyan.

Totoo na lahat tayo ay mahina sa harap ng tukso. Pero kung tunay tayong nagmamahal sa Diyos, binigyan niya tayo ng lakas at karunungan para paglabanan ito. Ang pagsaway sa mga maling ginagawa ng sino man ay mandato natin bilang mga Kristiyano. 

Kung patuloy mong kukunsintihin ang mga palipad-hangin niya sa iyo, maaaring sa ngayon ay makakapagtimpi ka pa pero darating ang panahon na bibigay ka at mahuhulog sa kanyang bitag.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with