^

Dr. Love

Dahil sa isang delivery boy

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,      

Nagpapasalamat ako sa isang delivery boy ng dyaryong Pilipino star NGAYON. Lagi niya kaming nadaraanan dito sa kanto ng dating kilalang Central Market. Naka-bike lang siya araw-araw. Nagsimula siya nang mapahinto sa munti naming kariton nang masagi niya kami at tumapon ang kanyang dalang mga dyaryo. Humingi naman siya ng paumanhin sa nangyari.

Nang makita niya ang aming kalagayan, nabigla siya nang makita sa loob ng munting kariton na may isang ina na nagpapadede ng kanyang sanggol habang ang ama ay nagsasalansan naman ng mga basurang pinulot sa magdamag.

Hinimok niya akong magtinda ng dyaryo habang nag-aalaga ng aking anak, na naging malaking tulong sa amin dahil kahit papano nababawas ko ang pambili ng pagkain namin sa kinikita ko rito sa isang araw.

Parang isang anghel na napadpad sa amin ang mamang ‘yon. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, dahil sa naitulong niya sa amin. Hindi naman niya kami binibigyan ng pera, kundi tulong ang iniabot niya para  makabangon kami sa buhay.

Magdadalawang taon na ang lumipas. Ngayon hindi na kami mukhang yagit at mukhang gusgusin. Lagi kong suot ang t-shirt na ibinigay niya na may tatak na To God be the Glory.

Maraming salamat sa malasakit at tulong ng lahat ng taga-Pilipino Star NGAYON.

Ngayon, tulong na kami ng mister ko at sa suporta na rin ng aming chairman ay napapalago namin ang aming munting tindahan.

Aida

Dear Aida,

Napakabuti ng Diyos, hindi Niya kayo pinabayaan. Ang mama na sinasabi mo ay nabigyan ng award dito sa aming kumpanya, si Patz na  isa sa mga mahuhusay maghanap nang matutulungan. Marami siyang iniwan na magagandang alaala.

Mas marami pang magandang mangyayari sa inyo ng iyong pamilya. Huwag ka lang makakalimot. Magdasal ka at magpasalamat sa araw-araw na gabay ng Diyos sa atin.

Ikumusta mo ako sa iyong mister at anak.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with