^

Dr. Love

Selos

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

First, let me wish you a blessed day and may you be in the best shape upon receipt of my letter. Just call me Linda, 27-years old and married.

Wala na marahil akong maipipintas sa aking asawa. He is very ideal. Nagtatrabaho siya bilang business executive while I’m a plain housewife dahil hindi ko na kailangang magtrabaho. Malaki ang sahod niya at ang dalawang anak namin ay nakapag-aaral sa magandang paaralan.

Minsan, isinama niya ako sa kanyang office. Nakita ko ang maganda niyang secretary. Hindi ko maintindihan kung bakit kinabahan ako at nakaramdam ng selos kahit wala akong nakikitang dapat ipagselos.

Mula noon, lagi akong insecure lalo pa kung umuuwi siya ng late. Normal ba ang nararamdaman ko?

Linda

Dear Linda,

Normal magselos ang tao kung may dapat ipagselos. Pero kung ang pagseselos ay base sa walang batayang suspetsa lang, hindi na tama ‘yan. Para kang lumikha ng multo para takutin ang iyong sarili.

Isang malaking korporasyon ang pinagsisilbihan ng mister mo at natural lamang na dapat maging maganda at presentable ang mga empleyado nito.

Isipin mong nagkikimkim ka ng galit sa butihin mong asawa nang walang basehan. Hindi yata makatuwiran iyan lalo pa’t sinasabi mong uliran siya.

Maraming relasyon ang sinira ng walang katuturang pagseselos kaya tanggalin mo sa isip mo iyan alang-alang sa iyong pamilya.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with