^

Dr. Love

Nawawalan ng time

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hi po, ako po si Net isang S.A. (Student Assistant). Namomoblema po ako sa boyfriend ko. Wala na po akong panahon para sa kanya. Hindi ko alam kung pa’no ko siya isasabay sa pag-aaral at pagdu-duty ko sa office, at may org pa po ako sa school. Mahal ko po siya at ayaw kong magkahiwalay kami na ako ang dahilan.

Dati po, okay pa naman po kami kaso habang tumatagal ang dami na naming away. Nahihirapan ako.

Alam ko naman po na pag-aaral muna ang dapat unahin. Iniisip ko lang din si mama. Tsaka gusto ko magpahinga muna kami at isipin ko muna ang sarili ko. Kaso kapag makikipag-break na ko, roon na nagiging mahina ang kalooban ko.

Sinabi kong hindi ko na siya kailangan, pero ayaw tanggapin ng puso ko. Mahal ko siya. Ang takot ko, baka magkagusto siya sa iba.  Dr. Love, help po.

Net

Dear Net,

Kailangan lang ninyong pag-usapan nang mabuti ang inyong sitwasyon.  Simulan mo rin na ayusin ang schedule mo. Sabi nga sa librong the little prince … the time you spend to your rose that makes your rose so important.

Tiis-tiis lang. Ang tunay na nagmamahal ay makapaghihintay sa tamang panahon. Gawin ninyong inspirasyon ang bawat isa.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with