^

Dr. Love

In love sa Tsinita

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magandang araw po. Nais ko lamang pong ibahagi ang lihim kong pagtingin sa isang Tsinita. Kaklase ko siya, mayaman kaya ang laki nang pag-aalangan ko kung liligawan ko na ba o makuntento na lang ako sa aming magandang samahan bilang magkaibigan.

Ang diskarte ko, nagpapa-impres ako sa unang araw pa lang para mapansin. Wala naman kasi akong maipagmamalaki, kundi ang konting talino na meron ako. Basta sigurado ako sa sagot ko, taas-kamay agad ako para mapansin ng prof.

Sa tingin ko rito ko napapabilib itong Tsinitang espesyal sa puso ko. Marunong siyang magtagalog pero halatang may Chinese blood siya. Dahil transferee siya, wala siyang kaibigan sa campus. Kaya ako lagi ang nilalapitan niya. Hindi raw ako mahirap pakibagayan. Kahit korni ang mga jokes ko, kinakagat niya.

Sa library at internet kami ang magkasama. Minsan naipapasyal ko rin siya sa mall na malapit sa school namin. Pero nagiging malungkot ako kapag dumarating na ang sundo niya. At sa totoo lang, lalo akong nanliliit dahil nadidiin sa akin ang langit at lupa na pagitan namin. Siguradong basted ako at hindi kami bagay.

Kaya kahit gustung-gusto ko na siyang ligawan, talagang nagpipigil ako. Hanggang dito na lang po.

Maraming salamat po sa panahon ninyo sa sulat kong ito.

Gilbert ng R. Papa

Dear Gilbert,

Huwag mo namang maliitin ang iyong sarili. Tiyak kong palagay ang loob sa’yo ng tsinita dahil may nakita siyang nagustuhan niya sa’yo. Pero hindi naman ibig sabihin nito na dapat maging magsyota na kayo. Ang maipapayo ko ay manatili muna kayong magkaibigan at i-enjoy ‘yun. By the time na umangat pa ang feelings mo para sa kanya, I’m sure mas definite ang desisyon mo kung dapat mo na bang ipagtapat ang lihim na nararamdaman mo sa kanya o better na manatiling magkaibigan na lang kayo.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with