^

Dr. Love

Dalawang pagkatao

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Simply call me Nikko, 19-years old. All along, inakala naming magkakapatid pati na ang aming ina na masuwerte kami sa pagkakaroon ng mabuti at ulirang ama. Our dad is a business executive, working for a group of companies engaged in realty.

Despite the fact na busy siya lagi, hindi siya nawawalan ng oras para sa family bonding. My mother and us siblings love him for that. Pero ngayon, nagbago ang situwasyon. Nasa bingit ng annulment ang marriage ng aming mga magulang. Ang dahilan, third party. May kinahuhumalingan ang ama namin. Hindi babae, kundi kapwa niya lalaki.

Hindi kami makapaniwala. All these twenty years ay naitago ng ama namin ang kanyang pagkasilahis. My mom was devastated at gusto niyang makipagkasundo kay dad, nangingilabot siya. Gusto naming magkasundo sila dahil ayaw namin ng broken family. 

Ano ang dapat naming gawin?

Nikko 

Dear Nikko,

Nasa mama ninyo ang final decision although try to convince her na bigyan ng isa pang chance ang inyong ama. After all, naging uliran siya through all the many years. Ang lagay ba, dahil lang sa isang kasalanan hahayaan na niyang masira ang inyong family?

Kausapin ninyong magkakapatid ang mama ninyo at ipakita kung gaano kahalaga sa inyo ang inyong pamilya. Unawain din ninyo na masakit para sa mama ninyo ang nangyari at mahirap magpatawad sa ganyang situwasyon. Ngunit sino ba ang hindi nagkakasala?

All of us are sinners, but God always forgives and when He does, He keeps no record of wrong. Do your best effort to change her mind. I believe you will succeed.

Dr. Love 

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with