^

Dr. Love

Na-scam ang pampakasal

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nag-iipon kami ng girlfriend ko ng pera para sa aming kasal. Almost three years na kami at balak na naming magpakasal sa susunod na taon.

Inaya kami ng isang kaibigan ng mag-invest sa isang business. Kikita raw ang aming pera ng 15k sa isang buwan lang. Naenganyo ako at sinabi ko sa girlfriend ko na mag-invest kami. Inilagay namin ang higit 100 libong piso na naipon namin.

Halos tipid meals kami araw-araw at pati na sa mga gastusin namin para lang maipon namin ang 100k.

Noong una binibigyan kami kada buwan ng 12k, hindi umabot sa sinabi niyang 15k. Medyo nagdududa na ang girlfriend ko. Kinumbise ko siya na huwag nang mag-alala. At magiging maayos din ang kasal namin kapag nakabawi na sa puhunan.

Ang problema ay bigla na lang nakita ko sa tv na inirereklamo ang itinuring kong kaibigan na nanghingi ng pera sa amin. Marami na pala siyang nabiktimang tao hindi ko lubos maisip na bigla na lang mawawala ang aming inipon. Hiyang-hiya ako sa gf ko. Ako kasi ang nag-aya sa kanya na mag-invest.

Hindi pa kami nakakabawi dahil 36k lang ang nabawi namin. Kaso ‘yung iba ay nagastos na rin namin. Sa akalang may darating pang biyaya. 

Nagreklamo na rin kami at nangako naman siyang ibibigay ang kakulangan sa na-invest namin. Hindi ko matatanggap na nai-scam kami. Bakit may mga taong manloloko. Umaasa pa naman kami na mas lalaki ang aming pera.

Jerrick

Dear Jerrick,

Maging maingat kayo sa mga taong makikipagkaibigan sa inyo. Hindi naman masama ang magsiguro kaysa maloko kayo. Pag-usapan ninyo ng gf mo na magsimula kayong muli. Huwag na ninyong pag-awayan pa ang nawalang pera. Pera lang ‘yun. Mas mahalaga ang inyong relasyon.

Marami ring tulad ninyo na umaasang aasenso, kaso nga nabibiktima ng scam.

Ipasa Diyos mo nalang ang nangyari sa inyo. At sa susunod, mag-invest kayo sa legal at lihitimong mga kumpanya. Ingat lagi and God bless.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with