^

Dr. Love

Walang trabaho

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Maalab na pagbati sa inyo. Tawagin n’yo na lang akong Fermin, 25-anyos at wala pang asawa.

Gusto ko na pong mag-asawa at magkaroon ng pamilya pero wala pong babae ang magkagusto sa akin.

First year college lang ang natapos ko at wala akong mapasukang trabaho.

Sa tingin ko po ay nilalait ako at minamaliit ng mga babaeng nililigawan ko.  Kung may magbibigay lang sana ng trabaho sa akin ay hindi ako magkakaganito at matutupad na ang pangarap kong magkapamilya.

May dalaga akong nagugustuhan pero pi-nrangka niya ako na maghanap muna ng disenteng trabaho bago ko siya ligawan.

Ano po ang maipapayo ninyo sa akin, Dr. Love?

Fermin

Dear Fermin,

Ang taong pursigido ay makakakuha ng hanapbuhay basta hindi mapili. May pinag-aralan ka man o wala, maraming trabaho diyan na angkop sa iyo. Ikaw pa na nakapagkolehiyo ang mawawalan ng trabaho?

Huwag mong isiping nilalait ka ng mga babaeng nililigawan mo.

Tama naman sila. Ano’ng kinabukasan ang naghihintay sa kanila sa piling ng isang katulad mo na hindi marunong maghanapbuhay?

Kaya humayo ka at maghanap ng trabaho na angkop sa kakayahan mo. Walang mangyayari sa buhay mo kung hindi ka kikilos.

Dr. Love

 

 

vuukle comment

WALANG TRABAHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with