^

Dr. Love

Mobile games ang karibal

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Gusto ko lang po sanang humingi ng advice sa inyo. Lately ay nagiging magagalitin ako sa boyfriend ko dahil nagiging kaagaw ko sa panahon niya ang paglalaro niya ng mobile game.

Ok naman kami nung maging “kami,” pero habang tumatagal ay hindi nagiging ganon. Iniisip ko naman na normal lang na nag-aaway ang magkarelasyon. Kaya lang mukhang nasosobrahan ang pag-aaway namin.

Ngayong nasa kolehiyo na ko, may time na nakikisabay pa siya nang pagpapasaway, sa halip na maging inspirasyon ko sa pag-aaral.

Ang naoobserbahan ko, madalas galing sa’kin ang effort para magka-ayos kami. Dahil inuuna niya ang paglalaro ng kung anong mobile games.

Minsan, kung kausapin man niya ako, naglalaro pa rin siya ng mobile game kahit nasa telepono.

Dumating pa sa punto na nakikipag-break na ako, pero hindi siya nakikipag-usap sa akin. nakakainis dahil mahal ko siya eh.

Dr. Love, ano pong maia-advice ninyo sa akin.

Tine

Dear Tine,

Totoo ‘yan iha, hindi nawawala sa isang relationship ang hindi pagkakasundo. Always be patient and kind sa iyong minamahal, kahit na minsan ay akala mo ay pinagpapalit ka na niya sa paglalaro ng mobile games. Sa panahon na hindi mo siya maintindihan, doon mo kailangan ang pang-unawa. Mas lawakan mo ang isip mo para sa kanya. Kung pareho kayong madaling magalit, malamang hindi kayo magtatagal.

Ngunit kung pareho kayong may pang-unawa sa isa’t isa, mas lalong magiging matibay ang inyong pagsasama. Sabihan mo rin siya na maging mature dahil siya ang lalaki.

Wala namang hindi nadadaan sa maayos na pag-uusap. Basta ang mahalaga, focus kayo sa ikagaganda ng inyong relationship. Marami pa kayong pagsasamahan kaya be strong and don’t forget love bears all even the weakness of the other.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with