^

Dr. Love

Lasenggo na sugarol pa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nangyaring lumiham ako sa inyo Dr. Love dahil sa problema ko sa asawa ko. Tawagin mo na lang akong Iding, 32 anyos at anim na taon nang kasal sa asawa ko.

Sa unang dalawang taon ng aming pagsasama ay matino siya. Maayos ang trabaho at walang bisyo. Pero kung kailan kami nagkaanak ay doon pa siya nagbago at naging lulong sa alak at sugal.

Nangyari ito nang kami ay lumipat ng tirahan na doo’y naging kabarkada niya ang mga sugarol at lasenggo sa aming lugar.

Ano po ang gagawin ko Dr. Love?

Iding

Dear Iding,

Maaaring kailangan na ng professional help ng asawa mo. Pero malaking gastos iyan.

Kung hindi naman kaya ay  lumayo na kayo sa lugar na iyan. Umuupa lang ba kayo o may sariling bahay? Kung umuupa lang ay maghanap ka na ng ibang paupahan. Kung sarili mo na ang bahay ay ibenta mo kahit na mangupahan na lang kayo uli.

Ngunit kung magmamatigas siyang tumutol, sikapin mo pa rin siyang kausaping magbago at kung hindi pa rin  umubra, ikonsidera mo na ang marital annulment. Isang matibay na ground ang pagiging lulong sa alak at sugal para mapawalang bisa ang kasal.

vuukle comment

DRLOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with