^

Dr. Love

Na-fall kay Prof

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Gusto ko lang po sanang humingi ng advice tungkol po sa ipinagbabawal na student-teacher affair. Wala naman po kaming relasyon, na-fall  lang po ako sa  prof ko.

Every Monday ang klase ko sa prof kong ito sa Chemistry. Kapag nagdi-discuss siya, wala akong ibang napapansin kundi ang cuteness niya. Slang siya kapag nagtatagalog at kahit nasa lab kami na napakainit, looking fresh pa rin ang matangkad, matalino, moreno at mabait kong prof na ito. Tipong complete package talaga.

Kaya kapag Lunes, talagang excited akong pumasok. Minsan nag-review kami para sa prelim, ako lang pala ang nagtaas ng kamay nang magtanong siya kung merong hindi naka-gets. Kaya pinatawag niya ko sa harap, napaupo ako sa kilig kahit inaasar ako ng mga kaklase ko sa kaniya. ‘Di ako makatingin ng diretso sa kaniya kasi pinagpapawisan na ako.

Prelims na, sinikap kong masagutan ang bawat tanong hanggang sa mapansin ko na kasama ang pangalan ko sa mga tanong. Feeling ko talaga, ako ang tinutukoy. Sinabi ko sa katabi ko, pero ang sinabi lang niya na asumera ako. Pero nung nagtse-check, bigla akong tinawag ng mga kaklase ko dahil hinahanap daw ako ng prof namin. Tungkol ito sa tanong na kasama ang pangalan ko, ako raw talaga ‘yun at nakangiti  ang prof namin.

Ano po ang gagawin ko, Dr. Love? ‘Di naman masama ma-fall sa isang professor ‘di ba po?  Nag-a-assume na rin kasi ako na ‘may something.’ Ano po ang maia-advice ninyo sa’kin?

Nea

Dear Nea,

Marami nang relasyon ang nabuo tulad nang nararamdaman mo ngayon.  Dahil sa paghanga sa guro o kaya naman dahil sa paghanga ng guro sa mag-aaral. Kung tutuusin normal ito sa mga tao, kaya nga lang may batas tayo na hindi ipinahihintulot ang magkaroon nang malalim na ugnayan ang guro at ang kanyang hawak na mag-aaral. Sa dahilang magiging bias siya at mawawala sa focus ng lesson. Bilang guro dapat pantay ang turing niya sa bawat isang mag-aaral. Kung maging special ang attention, tiyak na maapektuhan ang buong klase.

Maging totoo ka naman sa iyong nararamdaman at kung kailangan sabihin mo ito sa iyong guro, sabihin mo ito para mabigyan ng aksyon ng  prof mo sa isang propesyonal na paraan. Mas mainam pa rin na mag-aral ka muna.

DR. LOVE

vuukle comment

DRLOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with