^

Dr. Love

Hanap pa rin si Ex

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Maligayang pagbati sa iyo. Itago mo na lang ako sa pangalang Eloisa, 26-anyos. Dati akong may ka-live in. Hiniwalayan ko siya dahil hindi siya puwedeng magpakasal sa akin. Gusto ko rin naman kasing magkaroon ng lehitimong asawa at ayaw kong manatiling kerida lang. May asawa kasi siya.

Nagkaroon ako ng bagong kasintahan na pinakasalan ako. Ramdam kong mahal na mahal niya ako, dahil pinakasalan ako sa kabila ng aking kahapon. Mag-iisang taon na kami ngayon.

Ang isang gumugulo sa isip ko ay hinahanap ko pa rin ang pagmamahal ng dati kong kinakasama. Madalas, sa pagniniig namin ng mister ko, ang ex ko ang nasa isip ko.

Minsan ay tinawagan ako ng ex ko at nangu-ngumusta. Parang lumukso sa galak ang puso ko. Ayaw kong maging taksil sa asawa ko dahil mahal ko naman siya. Ano ang gagawin ko?

Eloisa

Dear Eloisa,

Kung may takot ka at pananalig sa Diyos, ‘yun lang ang panatilihin mo sa iyong isip. Kasalanan ang magtaksil lalo pa sa lalaking tapat na nagmamahal sa iyo.

Isipin mo rin na sa kabila nang pagkakaroon mo ng dating kinakasama, minahal ka pa rin ng iyong asawa at pinakasalan. Sa tingin ko, uliran at mabuting asawa ang ibinigay sa iyo ng Diyos para magbagong buhay ka.

Parang napaka-unfair naman na pagtaksilan mo siya sa kabila ng kanyang tunay na pagmamahal sa iyo.

Huwag mo na rin i-entertain ang pagtawag-tawag sa iyo ng iyong ex para malimutan mo siya.

Dr. Love

vuukle comment

DRLOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with