^

Dr. Love

Nangungulila kay Mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ngayon ko naramdaman ang pangungulila sa aking asawa. Hinahanap-hanap ko siya, lalo na sa gabing ako’y nag-iisa.

Nahagip siya nang humaharurot na tricycle, isang umaga ng Linggo habang kami ay namamalengke. Ang akala namin ay wala lang. Pero nang palitan ko siya ng damit, dun ko lang nakita na may tama ang ulo niya.

Dinala namin siya sa ospital, pero wala na siya. Parang naglaho ang lahat sa akin, kahit na ang mangarap. Inaalok ako ng biyanan ko na tumira sa kanya. Pero gusto ko na lang bumalik muna sa aming probinsiya.

Maraming salamat po, Dr. Love. Humihingi rin ako ng patawad sa mister ko. 

Joana

Dear Joana,

Hindi mo na maibabalik ang lahat. Kaya tanggapin mo na kapiling na ng Diyos ang asawa mo.

Tulungan mo rin ang iyong sarili, iha. Kung makatutulong sa’yo ang umuwi sa probinsiya, gawin mo. “Walang pagsubok na dumating sa iyo maliban sa karaniwang pagsubok sa tao. Ang Diyos ay matapat, na hindi ka pababayaang masubok nang higit sa makakaya mo. Kasabay ng pagsubok, gagawa siya ng paraan para makaligtas ka nang sa gayon, makayanan mo ang pagsubok.” –1 Corinto 10:13

DR. LOVE

vuukle comment

DRLOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with