^

Dr. Love

Kulang sa ganda

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Marahil, kakaiba itong kasaysayan ko na matutunghayan ng iyong mga readers. Tawagin mo na lang akong Jerome, 23- anyos at binata.

Marami na akong naging girlfriend na puro magaganda, pero hindi kami nagtagal dahil  sa dulo ay na-realize ko na hindi sila ang babaeng nararapat sa akin.

Hindi mo naitatanong, sinasabi nila na ako raw ay artistahin o guwapo. Pero naging tampulan ako ng tukso dahil ang girlfriend ko ngayon ay hindi maganda dahil ang kagandahan niya ay nasa loob ng kanyang puso. Sa babaeng ito ko naramdaman ang tunay na pag-ibig. Mahal ko siya.

Ipinakilala ko na siya sa aking pamilya at bagama’t hindi sila nagpahayag ng pagtutol, tinatanong nila ako kung bakit siya ang inibig ko. Ang sabi ko lang ay dahil mahal ko siya.

Ano po ang masasabi ninyo sa ganitong kaso? Ako ay matangkad at hindi sa pagyayabang, guwapo pero siya ay pandak at mataba, at ang katangian lang niya ay magandang kalooban at mataas na pinag-aralan.

Jerome

 

Dear Jerome,

Ang bawat tao ay may karapatang pumili ng mamahalin at hindi dapat maging hadlang ang sasabihin ng iba.

Kung sa palagay mo ay taglay ng kasintahan mo ang katangiang magpapaligaya sa iyo, go for it.

Ikaw ang makikisama at kung ano man ang kahihinatnan ng iyong future ay depende sa pasya ng puso mo. Kaya inuulit ko, huwag kang padadala sa sinasabi ng iba.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with