^

Dr. Love

Rape victim

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Loren, 23 anyos at dalaga. Ang pro-blema ko ay ang aking phobia o pagkatakot sa mga lalaki kaya hindi pa po ako nag-aasawa at hindi tumatanggap ng manliligaw.

Nagsimula ang aking takot dahil noong 12-anyos pa lang ako, biktima ako nang panggagahasa ng isang trike driver. Nakakulong na ang taong lumapastangan sa akin.

Ayoko na pong mag-asawa dahil sa madilim kong nakaraan. May mga nanliligaw sa akin  pero agad ko silang itinataboy at sinasabi kong wala silang pag-asa. Minsan, naiisip ko rin na kailangan kong magkaroon ng pamilya. Pero nangingibabaw ang aking takot sa lalaki. Takot din ako na baka dahil sa karanasan ko ay paglaruan lang ako ng lalaki. Ano ang dapat kong gawin?

Loren

Dear Loren,

May trauma ka pa bunga ng masaklap mong karanasan. Siguro kakailanganin mo ng professional help ng isang clinical psychologists para mawala iyan.

Pero ito ang masasabi ko. Hindi mo dapat ipinid ang iyong puso sa tawag ng pag-ibig.  Hindi mo kagustuhan ang sinapit mo, kaya hindi ka masisisi ng sino man sa kalagayan mo ngayon.

Dr. Love

vuukle comment

DRLOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with