Loner ang bf
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2018 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Nitong mga nakaraang araw hindi kami nagkikibuan ng boyfriend ko. Parang nagkakalabuan yata kami. Ibang klase kasi siya, loner.

Pareho kaming na-busy sa pag-aaral nitong prelim exam namin. Chemical Engineering ang kurso ko at siya naman ay Mechanical Engineering.

Simple lang ang relationship namin. We spend more time na magkasamang nag-aaral sa library. Wala kaming masyadong pinag-aawayan. Kaso kapag may problema siya, hindi niya ikinukwento sa akin ang lahat ng detalye.

Ayokong ma-bored sa relationship namin, pero  wala akong magawang paraan para maging masigla ang aming relationship. Looking forward na mapaghanap lang ako siguro ng wala sa boyfriend ko.

Marielle

Dear Marielle,

Hindi naman ibig sabihin na hindi kayo nagkikibuan ay nagkakalabuan na kayo. Mas laliman mo pa ang pag-unawa sa bf mo. Respect his silence. Mas mainam na magsuportahan kayo tulad nang nakasanayan na ninyo. 

Remember hindi naman nasusukat sa dami ng mga happy moments ang success ng relationship. Huwag kang magmadali darating din ang araw na magiging ganap ang kasiyahan ninyong dalawa.

Dr. Love

DEAR DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with