^

Dr. Love

Hiniya dahil sa pakikipagharutan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko inakalang mararanasan ko ang mapahiya sa harap ng buong klase namin nang dahil sa isang lalaki.

Hindi ako ang lumapit at hindi ko inaasahan ang lahat. Klasmeyt ko si Pert. Magkatabi kami ng upuan. Martinez siya at Medrazo ako.

Magaling siyang manuyo at malambing. Palabiro, hayun hinaharot ako nang hinaharot. Akala mong high school ang ugali. Third year college na kami… Financial  Management.

Hindi naman niya sinabi na may girlfriend na siya. Kaso nga lang hindi sila magkaklase. Sa ibang room ang gf niya.

Sa sobrang lapit sa akin ni Pert, may mga klasmeyt ako na sinasabihan siya na may dyowa na nga pumapatol pa sa iba.

May naiinis sa’min dahil ang landi-landi ko raw. Hindi ako ganun, harutan lang at sinasakyan ko lang ang biro ni Pert.

Hindi ko alam na nakarating na ito sa kanyang girlfriend. 

Inis na inis siya at tinawag ako sa isang room. Ang akala ko, kakausapin niya ako nang maayos. Pero baligtad sa inaasahan ko.

Nang nasa loob na kami ng room, pinagsisigawan niya ako. Pinagmumura at sinampal. Matapos ay hinila niya ako sa loob ng classroom nila. Pagbukas ng pinto, sumigaw siya nang “ito ang malanding babae ng kumikerengkeng sa bf ko. Tingnan ninyo, papasa ba siya bilang kapalit ko?” Nagpalakpakan ang halos lahat ng klasmeyts niya at may sumisigaw na mang-aagaw.

Wala roon si Pert. Nalaman na lang niya kinabukasan ang ginawa ng kanyang girlfriend, humihingi ng patawad si Pert pero masakit ang nangyari dahil wala naman talaga kaming relasyon.

I feel sorry kung bakit nakilala ko pa si Pert. Napahamak tuloy ako. Gusto ko ngang ireklamo ang girl pero baka lalo pang lumala ang sitwasyon. Hanggang dito na lamang po. Maraming salamat po sa panahon, Dr. Love.

Valerie

 

Dear Valerie,

Hay, kayo talagang mga kabataan. Mahirap intindihin. Iha, maging aral na sa iyo ang nangyari sa inyo ni Pert. Tanungin mong mabuti at alamin mo sa iba kung may karelasyon na ang lalaking nakikipagkilala sa’yo. Mainam na mai-report mo sa inyong guidance counselor ang nangyari sa inyo ng girlfriend ni Pert. Isa itong pang-bubully. Kung nagseselos siya dapat kinausap ka niya ng maayos kasama si Pert. Para magkaunawaan kayo. Kung dapat umiwas ay nakaiwas ka na agad para hindi na umabot sa ganung pangyayari. Anyway, humanap ka ng paraan para maayos ang problema mo sa dalawa. Ingat ka lang lagi ha.

DR. LOVE

vuukle comment

DRLOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with