^

Dr. Love

Kinalinga ng biyanan

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Gusto ko lang iparating ang aking lubos na pasasalamat sa biyanan kong babae. Simula kasi nang mamatay ang asawa ko ay kinupkop niya na kami ng aking mga anak.

Kahit may edad na siya, inaalagaan niya ang aking mga anak habang ako ay nagsisikap na kumita rito sa Brunei. Almost ten years na ako rito, napamahal na rin sa akin ang mga alaga ko na halos kasing edad din ng aking mga anak. Hindi na iba ang turin sa akin ng mga amo ko.

Hindi biro ang malayo sa pamilya. Dahil hindi ko na maibabalik ang mga panahong ako dapat ang nag-aalaga at nag-aasikaso sa aking mga anak. Pasalamat talaga ako dahil may mapag-arugang biyanan ako na nagmamalasakit nang buong pagmamahal sa kanyang mga apo.

Gusto kong makabawi sa aking biyanan lalo na sa mga anak ko. Pero kapag tumigil ako, paano na ang aming kabuhayan. Maganda po ang sweldo ko rito sa amo ko na ipinantutustos ko sa pag-aaral at iba pang mga pangangailangan ng aking mga anak, syempre gayun din sa biyanan ko.

Salamat din sa’yo Dr. Love dahil kahit nasa Brunei ako, nababasa ko sa internet ang mga love letters sa inyo ng inyong mga readers, na nakakapawi ng lungkot ko.

More power!

Aida

Dear Aida,

Maraming salamat din sa pagliham mo sa amin, gusto ko malaman mo ang mataas na paghanga ko sa lahat ng mga Overseas Filipino Workers saan man panig ng mundo. Tunay na biyaya ang magkaroon ng mapagmalasakit na biyanan kaya maganda ang hangarin mong makabawi sa kanya at iyong mga anak. Nasa iyo ang pagkakataon para matupad ‘yun. Planuhin mo ang iyong pag-uwi at sikapin na masulit ang bawat oras para sa kanila. Ingat ka lagi r’yan and God bless!

Dr. Love

 

vuukle comment

DEAR DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with