^

Dr. Love

May gusto sa utol ng best friend

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang maaliwalas na araw sa iyo at umaasa ako na nasa mabuti kang kalagayan sa pagtanggap mo ng aking sulat.

Tawagin mo na lang akong Jimmy, 31 anyos at isang binata. Noong ako ay 20 years old, madalas ako sa bahay ng aking best friend na si Ricky. May kapatid na batang babae si Ricky na noon ay sampung taong gulang.

Napaka-cute ng batang ito at  sa loob-loob ko, naiisip ko na paglaki niya ay liligawan ko siya at siya ang babaeng aking pakakasalan. Hindi ko sinasabi sa kaibigan ko ang lihim kong damdamin sa kapatid niya.

Nang makatapos ako ng college ay nag-migrate ang aking pamilya sa Canada at doon ako  lumagi sa loob nang sampung taon. Matagal kaming hindi nagkita ng aking best friend at nang bumalik ako sa Pilipinas ay dinalaw ko siya. May asawa na siya at dalawang anak. Kinamusta ko ang kanyang batang kapatid at ang sabi niya ay  magtatapos na raw ng college sa kursong nursing. Nang magkita kami ng kapatid niya ay lalo kong nakumpirma ang aking damdamin. Maganda siya at kabe-break lang sa kanyang boyfriend.

Ngunit nahihiya akong manligaw dahil kapatid  siya ng best friend ko. Baka magalit siya sa akin. Isa pa, parang malaki ang agwat naming dalawa. Ano ang gagawin ko?

Jimmy

 

Dear Jimmy,

Walang masama kung liligawan mo siya lalo pa’t tapat ang layunin mo sa kanya. Hindi mo naman siguro lolokohin lang ang kapatid ng matalik mong kaibigan. Isa pa, hindi naman masyadong malayo ang agwat ng inyong edad kung labing-isang taon lang.

Magsabi ka sa iyong kaibigan at malamang matutuwa pa iyon dahil hindi lang kayo magiging best friend kundi magbayaw pa.

Dr. Love

vuukle comment

DRLOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with