^

Dr. Love

Ang pag-ibig... ‘Di Puro I Love You

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Janitor ako sa isang private school sa Maynila, may asawa at isang anak. Bagaman nakabukod kami ni misis, tiis-tiis ang buhay namin.

Pareho kaming hindi nagkatapos ng pag-aaral ng asawa ko at dahil sa simula pa lang hindi ako gusto ng biyanan ko, nangupahan kami. Maliit lang po ang sweldo ko at contractual lang.

Kapag walang pasok ang school, wala rin akong trabaho. Ayaw naman magpa-overtime ng management para raw makatipid ang paaralan.

Kung minsan, gusto na rin magtrabaho ni misis, pero hindi ako pumayag para hindi maba-yaan ang aming anak. Sinisikap naman po naming huwag mangutang, pero dahil sadyang kulang ay doon kami nauuwi. Pasalamat na lang ako at mahal ako ng asawa ko, kaya hindi niya ako iniiwan.

Ang kaso, malapit na naman akong mag-endo sa trabaho, next month na po. Ang hirap pa naman kapag dumadaan sa agency ang pag-aaplay, malaki ang kaltas. 

Sana po makaahon kami sa aming kalagayan. Gusto ko ring mapalaki namin nang maayos ang aming anak.

Salamat po!

Lawrence

Dear Lawrence,

Salamat din sa pagbabahagi mo. Sana magsilbing aral ang kalagayan ninyo sa ibang mga kabataan ngayon na magsumikap at magtapos muna nang pag-aaral. Planuhing mabuti ang mga dapat paghandaan. Dahil ang pag-ibig ay hindi puro I love you lang. Kailangan din maging maayos ang lahat. Lalo na ang kinabukasan ng inyong anak. Tama naman ang ginagawa ninyo, konting tiis pero hanggang kalian? Iwasan ninyo ang mangutang hangga’t maaari. Bakit hindi n’yo subukang magtinda-tinda para makadagdag kita bukod sa sweldo mo. Kung makabili ka ng bike, makakatulong para makabawas pamasahe. Magtanung-tanong ka rin sa mga kakilala mo, baka matulungan ka magkaroon nang permanenteng trabaho. May awa ang Diyos, hind niya kayo pababayaan.

DR. LOVE

vuukle comment

DRLOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with