^

Dr. Love

Paano ipagtatapat?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Masaganang buhay sa iyo. Tawagin mo na lang akong Arnaldo, 24 anyos. Bago ko sabihin ang problema ko sa pag-ibig, hayaan mong bigyan kita ng background hinggil sa nangyari sa akin limang taon na ang nakararaan.

Nagkaroon ako ng mumps (beke) sa mag-kabilang pisngi. Natakot ako nang sabihin sa akin ng isang kaibigan na kapag nagkasakit ka nang ganito kung malaki ka na ay may tsansang mabaog ka o hindi na makabuo ng anak. Matagal kong dinala ang takot hanggang sa magpasya akong magpasuri sa doktor para sa ikakapanatag ng aking kalooban.

Para akong binuhusan ng malamig nang malaman ko na sterile ako o hindi na magkakaanak, ayon sa sumuring doktor sa akin.

Heto ang problema ko ngayon. Nagbabalak kaming magpakasal ng girlfriend ko. Madalas niyang sabihin sa akin na gusto niyang magkaroon kami ng tatlong anak.

Hindi ko malaman kung paano ko sasabihin ang problema sa kanya. Tulungan mo po ako, Dr. Love

 

Arnaldo

Dear Arnaldo,

Lalung lulubha ang problema kung hindi ka magtatapat sa kasintahan mo. Karapatan niyang malaman ang problemang daladala mo.

Dapat paghandaan mo ang ano mang mangyayari sa pagtatapat mo sa kanya.

Isipin mo na lang na kung magpapakasal kayo at malalaman niyang hindi mo siya maaanakan ay puwede ka niyang hiwalayan kung gugustuhin niya dahil iyan ang isang matibay na ground para sa annulment.

Ngunit kung alam niya na ikaw ay sterile at pumayag pa rin siyang magpakasal sa iyo, hindi niya puwedeng gawing dahilan ito sa pakiki-paghiwalay.

Dr. Love

vuukle comment

DRLOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with