^

Dr. Love

Takot sa tatay ng gf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magandang araw po. Belated Happy Father’s Day po sa lahat ng mga tatay. Share ko lang po, itong boyfriend ko ayaw harapin ang tatay ko.  Nililigawan lang niya ako sa school. Nasa college na kaming dalawa.

Ang sabi niya, hindi pa siya handang humarap sa magulang ko. Mag-iisang taon na kaming in a relationship.

Nagtatanong na nga ang tatay ko kung sino ang boyfriend ko? Bakit ayaw niyang magpunta sa bahay?

Tinanong ko siya kung bakit ayaw niyang magpakilala sa tatay ko, bukod sa takot siya. Ang sabi niya, may karanasan siya na very close siya sa pamilya nang dati niyang girlfriend. Kaso sa bandang huli  ay nagkahiwalay din sila nito, kaya nanghihinayang siya na maging close sa pamilya ko baka sa bandang huli ay magkahiwalay din kami.

Ang gusto niya sa tamang panahon daw. Ang problema, nagiging sanhi ito ng away namin ni tatay. Minsan hindi ako pinapayagang umalis ng bahay. Lagi akong sinasabihan na ang boyfriend ko raw ang pumunta sa amin at magpaalam.

Natututo tuloy akong magsinungaling. Ayoko naman talagang maglihim sa mga magulang ko. Kahit nasa wastong gulang na ako, gusto ko ma-ging maayos ang takbo nang ugnayan namin bilang isang pamilya. ‘Yun lang po Dr. Love. Sana po ay mabigyan ninyo kami ng magandang payo.

Gladys

Dear Gladys,

Ang relationship ay hindi lang para sa inyong dalawang mag-boyfriend. Bilang isang tatay o nanay, bilang magulang ay gusto nila na laging nasa maayos, maganda at ligtas ang kanilang anak. Ipaliwanag mong mabuti sa boyfriend mo ang halaga na alam ng pamilya mo kung sino siya sa buhay mo. Para mawala ang pagdududa nila. Ituring niya kamong isang hamon ito para mapatunayan niya kung gaano ka niya kamahal.

Pakabait ka ha, pati ang bf mo. Hala sige humayo kayo at sundin kung ano ang mainam at nararapat. God bless!

DR. LOVE

vuukle comment

DRLOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with