^

Dr. Love

Identity Crisis

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Maaliwalas na araw ang hangad ko sa iyo habang tinutunghayan mo ang aking sulat.

Dr. Love, didiretsahin ko na. Dumaranas ako ngayon ng identity crisis. Ako nga pala si Roldan, 20 anyos at sa simula’t simula, hindi ako nagkagusto sa babae kundi sa lalaki. In other words, ako ay 100 percent gay.

Katunayan, mula high school hanggang college, nagkaroon na ako ng maraming karelasyon na kapwa ko lalaki. Hindi ko ipinagkakaila ito.

Nitong nakaraang five months, isang kaibigan ang nagdala sa akin sa bible study at nalaman ko na ayaw pala ng Diyos sa homosexual practice. Unti-unti kong nadarama ang pagkilos ng Diyos sa aking buhay. Hindi pa ako dumadalo sa Christian church pero parang may bumabago sa aking kalooban.

For the first time, isang bagong kasamahan sa bible study ang bigla ko na lang nagustuhan. Isa siyang babae. Feel ko na gusto ko siyang makasama palagi. Naguguluhan ako ngayon kung tunay ko ba itong nadarama ko.

Pero natatakot ako na baka kapag siya ang napa­ngasawa ko ay bigla akong umibig uli sa lalaki. Okay bang ligawan ko siya?

Roldan

Dear Roldan,

Sabi ng Bible, ang binago ng Diyos ay tunay na binago. God works in many mysterious ways at ikaw ay isang halimbawa nang pagbabagong ibinigay ng Panginoong Diyos.

Ang pagbabagong bigla ng iyong sexual preference ay patunay na kumilos nga ang Diyos sa puso mo. Sige, walang masama kung manliligaw ka ng babae. Lagi ka lang magbubulay sa Salita ng Diyos at laging manalangin para maging ganap ang pagbabagong ibinigay ng Diyos sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with