^

Dr. Love

Niloko ng seaman

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggal sa isip ko ang ginawang panloloko sa akin nang naging boyfriend ko, isa siyang seaman.

Miyembro po ako ng isang church organization kung saan nakilala ko ang isang mabait na pari. Dahil po sa paring ito kung kaya hindi ako nag-alinlangan na sagutin ang kanyang kapatid na seaman nang manligaw ito sa akin.

Pero lingid sa kaalaman ko ay niloloko pala ako ng lalaking ‘yun, dahil dalawa kami ng kasamahan ko sa organization ang pinagsabay niya na maging girlfriend.

Nahulog po talaga ang loob ko sa kanya noong mga panahong “kami” at lubos akong nagtiwala, kaya naibigay ko sa kanya ang aking dangal. Pero matinding sama ng loob lang ang idinulot niya.

Dahil nang malaman niyang buntis ako, nalaman ko rin na buntis ang karibal ko. Ang matindi pa, ayaw niyang kilalanin ang anak namin.  Para akong sinukluban ng langit, Dr. Love. Masama po talaga ang loob ko.

Ang negatibong emosyon na ito ay nakakaapekto rin maging sa pagtingin ko sa parokyang kinabibilangan ko. Nabahiran ang pagtitiwala ko sa iba pang taong simbahan at nagkaroon ako ng pag-aalinlangan dito.

Gustuhin ko man na mawalan nang tuluyang ugnayan sa seaman na ‘yun ay hindi ko magawa. Hangad ko nga po na sana sa pamamagitan ng inyong malaganap na column ay makarating sa kanya ang mensahe ko na magpakalalaki siya at harapin ang obligasyon sa aming anak.

Nais ko rin na maging aral sa mga kadalagahan na huwag basta magtiwala sa maamong mukha at huwag din maging mapusok pagdating sa pag-ibig.

Maraming salamat po at more power!

Divina

 

Dear Divina,

Salamat sa iyong pagtitiwala at pagbabahagi ng kwento ng iyong buhay. Walang tao ang hindi nagkasala, dahil walang perpekto sa atin. At dahil nasa maselang kondisyon ka, sikapin mong makakawala sa sama ng loob. Dahil ‘yan ay hindi makakatulong lalo na sa sanggol sa sinapupunan mo. Hingin mo ang grasya ng Diyos para mapatawad ang panloloko ng boyfriend mong seaman.

Pero dahil anak niya ang dinadala mo, may karapatan ka na obligahin siya para sa kapakanan ng inyong magiging anak. Hingin mo ang gabay ng abogado tungkol dito.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with