^

Dr. Love

Playboy pa si Tatang

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Lumiham po ako sa inyo dahil sa problema ko sa aking tatay na 75 years old na.

Ako nga pala si Eliza, 31 anyos at may asawa. Biyudo na ang tatay ko pero kung mag-ayos ay parang nagmumurang-kamatis.

Nakapisan po siya sa bahay naming mag-asawa at umaasa siya sa monthly pension niya bilang retired US Marine.

Heto po ang problema. Mapustura siya sa sarili at nanliligaw pa rin. Balita namin, marami siyang girlfriend pero ang worry naming mag-asawa, baka ginagastos niya ang kanyang pension sa pambababae.

At ito pa ang isang problema. Walang nagtatagal na kasambahay sa amin dahil hinihipuan niya.

Napagsabihan ko na siya pero siya pa ang nagalit. Ano ang dapat kong gawin?

Eliza

 

Dear Eliza,

Ang dapat marahil sa tatay mong playboy ay mag-asawang muli. Pero mukhang wala siyang interes mag-asawa kundi mangulekta lang ng girlfriend.

Sabi nila, natural daw ito sa mga matangal nang biyudo pero hindi ako pabor. Kahit ano pa ang edad ng lalaki, ang pambababae ay kasalanan pa rin sa Diyos.

Siguro huwag lang kayong magkukulang sa pagpapaalala sa kanya na hindi tama ang ginagawa niya.

Dr. Love

 

vuukle comment

DEAR DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with