^

Dr. Love

Nagger ang misis

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Limang taon pa lang kaming nagsasama ng misis ko, pero parang kalbaryo na ang buhay ko, Dr. Love. Hindi na po ako magpapaliguy-ligoy pa, mahirap palang magkaroon ng asawang nagger.

Sobrang dada at lahat napapansin. Tinutukso tuloy ako ng mga kumpare ko na “Andres,” under de saya. Ang matindi, minsan may kasama pang kurot at sampal ang mga sermon niya, lalo na kapag galit na galit siya. Mabuti na lang marunong akong umilag.

Ganoon ba talaga, habang tumatagal lumalabas ang tunay na ugali? Sorry, Dr. Love hindi ko sinisi­raan ang misis ko pero gusto ko lang maglabas ng sama ng loob.

Sinasabihan ko naman siya pero mas mabilis pa sa armalite ang tunog na boses niya. Ayoko naman siyang patulan at hindi naman ako ganoon. Mahal ko pa rin naman ang aking asawa. ‘Yung lang naman ang ayaw ko.

Aaminin ko na minsan na akong nagkamali dahil nahuli niya akong may ka-chat na babae sa fb. Pero hindi naman seryoso iyon. Kaso nabasa niyang lahat ang conversation namin. Hayun doon na nagsimula ang walang humpay niyang sermon.

Nag-usap na kami tungkol sa aming sitwasyon, ang sabi ko nga kung hindi siya titigil eh hahanap na lang ako ng iba. Pero biro ko lang iyon para tumigil siya, pero lalong nagalit.

Dr. Love, payuhan mo ako kung ano ang magandang gawin sa misis ko para tumigil na sa kakadada.

Arnold

 

Dear Arnold,

Mas makakabuti kung hindi mo sasabayan ang pagngingitngit ng iyong misis. Sikapin mong ma­ging mahinahon at unawain siya. Kapag kalmado na siya, saka ka maglambing sa kanya, gawin mo itong routine hanggang sa makasanayan na ninyong dalawa ang pagbo-bonding. Sa ganitong paraan ay mas makikilala n’yo pa ang bawat isa. Tantanan mo rin ang mga salitang alam mo naman na ikinasasama ng loob niya, lalo na ang makipag-chat sa ibang babae. Naniniwala ako na magagawa mong makapag-adjust pa alang-alang sa pagmamahal mo sa iyong asawa.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with