^

Dr. Love

Kaunting kapansanan

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hello po at isang mapagpalang araw sa inyo. Tawagin n’yo na lamang akong Hilda, 23 anyos.

Maganda po ako maliban sa isang kapansa-nan. Medyo maigsi ang kanang binti ko dahil ako po ay nagkaroon ng polio nang ako ay 3 years old pa lamang.

Marami rin akong manliligaw kahit medyo paika-ika ang paglakad ko. Wala po akong napupusuan ni isa sa mga nanliligaw sa akin.

Mayroon akong naka-chatmate sa FaceBook na isang Pilipinong naninirahan sa California. Nagtapat siya ng pag-ibig sa akin pero nag-aalangan akong sagutin siya dahil sa kalagayan ko.

Magbabalik-bayan siya sa Hulyo at ibig ni­yang makipagkita sa akin. Nangangamba ako na baka ma-turn off siya kapag nakita niya ang kalagayan ko. Ano po ang gagawin ko?

Hilda

Dear Hilda,

Ngayon pa lang ay sabihin mo na sa kanya ang kalagayan mo. Hindi naman malaking di­prensiya iyan at kung talagang mahal ka niya, balewala ito sa kanya.

Ang panlabas na anyo ay hindi mahalaga dahil ang pinakamabuting katangian ng tao ay ang kanyang kalooban. Huwag mong ikahiya ang iyong katayuan.

Sige, makipagkita ka sa kanya at doon mo nga masusubukan kung tapat siya sa iniluluhog niyang pag-ibig sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with