^

Dr. Love

Alaala ng mga tato

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Binansagan akong Ben Tato dahil nakatato sa katawan ko ang mga babae na naging bahagi ng buhay ko. Tatlo lang naman po sila.

Una si Jhoana, ang childhood sweetheart ko. pangalawa si Lorena, utol ng kaselda ko. Ayaw ni Kosa na mapariwara rin ang buhay ng kapatid niya kaya hanggang tato na lang ang lahat. Ang pangatlo, pangalan ng babaeng nagmahal sa akin kahit sa pinakamadilim na sandali ng buhay ko. Pinatato ko ang pangalan ni nanay na Isabel malapit sa puso ko. 

Nakalaya na po ako, binata pa rin. Kapwa pamilyado na sina Jhoana at Lorena pero gaya ng mga tato ko, hindi pa rin sila mabura sa isip ko. Payuhan po ninyo ako.

Ben

Dear Ben,

Magpakatatag ka. Lahat naman ay may pinagdaraanang pagsubok. Sa Diyos ka kumapit dahil siya ang pinakamatatag na kanlungan. Magtiwala ka sa kanya at natitiyak ko na siya ang gagawa ng paraan para maka-move ka. Kasama mo ako sa panalangin. God bless!

Dr. Love

vuukle comment

DEAR DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with